Renewal ng driver’s license online sa mga OFWs sa Taiwan, larga na

Stock image of LTO driver’s license.

MANILA, Philippines — Sinimulan na ng Land Transportation Office (LTO) na maiproseso ang pagre-renew ng dri­ver’s license ng mga overseas Filipino wor­kers (OFWs) sa Taiwan.

Ito ay dahil bukas na ang LTO sa pagtanggap ng aplikasyon sa mga OFWs sa Taiwan gamit ang online OFW driver’s license renewal sa Taichung District at Kaohsuing, ang dalawang main sites para sa pilot implementation ng nasabing programa.

Gamit lamang ang cellphone ay madali nang makakapag-renew ang isang OFW bastat kumpletuhin lamang ang mga requirements tulad ng medical certificate na kaloob ng LTO-accre­dited telemedical facility.

Maaari ring gamitin ang alinmang online payment services tulad ng Gcash para sa pagbabayad ng renewal ng lisensiya.

Sa unang araw ng implementasyon ng programa, may 200 OFWs na ang naserbisyuhan mula sa 500 OFWs na nag-aplay para rito.

Ayon kay Mendoza , ang hakbang ay bahagi ng programa ng pamahalaan na maipatupad ang digitalization sa lahat ng  serbisyo sa mga ahensiya ng pamahalaan sa ilalim ng Bagong Pilipinas.

“From the initial application of the OFW until the delivery of his license card to his appointed foreign address in Taiwan for this launch, the total process can take anywhere from 3-5 days,” dagdag ni Mendoza.

Aniya plano rin itong isagawa sa mga bansang Europa, Estados Unidos at Middle East.

Show comments