Pulis na magpapagamit sa mga pulitiko sa 2025 election, parurusahan

PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil.

MANILA, Philippines — Pinayuhan ni Phi­lippine National Police (PNP) chief Gen. Rommel Fransico Marbil ang kanyang mga tauhan na huwag magpagamit sa mga pulitiko, dahil sa nalalapit na paghahain ng kandidatura sa susunod na buwan ng mga kakandidato para sa 2025 elections.

Ayon kay Marbil, hindi siya mag-aatubiling parusahan ang sinumang mahuhuling nagpapagamit o nagpapaimpluwensiya sa mga pulitiko na mahigpit na ipinagbabawal ng batas.

Pakiusap ni  Marbil sa mga tauhan na iwasang magpagamit  sa mga pulitiko at manatili sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin at peace and order habang isinasagawa ang  eleksiyon.

Dagdag ni Marbil, res­ponsibilidad ng PNP na protektahan ang halalan at hindi makikialam.

Aniya, dapat na ipakita ng mga pulis ang kanilang dedikasyon sa trabaho at panatilihin ang  tiwala ng publiko sa PNP.

“It is our duty to ensure that the election process remains peaceful, orderly, and secure. Every police officer must remember their oath to serve the people, not politicians,” ani Marbil.

Samantala, ikinakasa na rin ng PNP ang seguridad sa filing ng candidacy sa unang linggo ng Oktubre kung saan inaasahan na ang pagdagsa mga  kandidato at kani kanilang mga taga suporta.

Ani Marbil, ngayon pa lamang ay kanila nang paiigtingin ang intelligence, investigation, ­operations, at  community relations  upang ma­ging maayos at tagumpay ang  paghahain ng kandidatura ng mga kandidato at maging sa halalan.

Show comments