^

Metro

2 babaeng magkaangkas sa motorsiklo, bumangga sa center island, dedo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dead-on-the-spot ang dalawang babaeng magkaangkas sa isang motorsiklo nang bumangga ang sinasakyan nilang behikulo sa center island sa Sampaloc, Manila kahapon ng mada­ling araw.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Reana Antoinette Tomas, 23, ng San Antonio, Parañaque City at Ana Mae Adlaon, ng Misamis Oriental.

Lumilitaw sa inisyal na report ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) na dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa northbound lane ng Lacson Avenue, pababa sa Nagtahan bridge, kanto ng G. Tuazon St. sa Sampaloc.

Minamaneho ni Tomas ang motorsiklo, angkas si Adlaon, nang pagsapit sa pababang bahagi ng Nagtahan bridge ay bigla na lang  nawalan ng kontrol sa behikulo.

Dahil dito, bumangga ang motorsiklo sa center island na nag­resulta sa pagtilapon nila at pagbagsak sa sementadong kalsada.

Mabilis namang nakaresponde ang mga tauhan ng Triple D Philippine Eagle ngunit patay na ang mga biktima nang kanilang datnan.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with