^

Metro

4 magpipinsan, timbog sa gang rape sa dalagita

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Apat na lalaki na umano’y magpipinsan ang inaresto ng mga awtoridad matapos ireklamo ng gang rape sa isang dalagita na nilasing muna nila sa isang birthday party sa Binondo, Manila, noong Linggo.

Mariin namang pinabulaanan ng mga hindi pinangalanang suspek na kinabibilangan ng dalawang menor de edad, ang akusasyon ng dalagita laban sa kanila.

Batay sa reklamo ng dalagita sa Manila Police District (MPD), nabatid na kaibigan niya ang isa sa mga suspek at niyaya siya nito na sumama sa bahay ng kanyang pinsan dahil may birthday party doon.

Nilasing umano siya ng suspek at nang malango ay kaagad siyang hinilay sa loob ng isang silid, sa ikalawang palapag ng bahay.

Sa kabila ng pagmamakaawa ay itinuloy umano ng suspek ang masamang hangarin.

Narinig naman umano ng tatlo pang suspek ang pag-iyak ng biktima at inalam ang nangyayari.

Gayunman, sa halip na tulungan ang dalagita ay ginahasa rin umano siya ng mga ito.

Naulit pa umano ang insidente kung saan sabay-sabay siyang ginahasa ng mga suspek matapos na piliting lasingin muli.

Nakatakas lamang umano ang biktima at nakapagsumbong sa kanyang nobyo nang makatulog ang mga suspek.

Kaagad na nagsuplong sa mga awtoridad ang magnobyo, na nag­resulta sa pagkaaresto ng mga suspek.

Nakapiit na ang dalawa sa mga suspek sa Delpan Police Station habang ang mga menor de edad naman ay dinala sa tanggapan ng DSWD.

vuukle comment

MANILA

BINONDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with