^

Metro

Labandera na hit and run ng Pakistani

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Malubhang nasugatan. ang isang 49-anyos na labandera na nagkabali-bali ang buto nang masagasaan at takbuhan ng sasak­yang minamaneho ng isang Pakistani, sa Pa­rañaque City.

Ang biktimang si alyas “Loida”, residente ng Barangay Don Bosco ay sinasabing patungo sa kaniyang amo na pinaglalabadahan nang maganap ang insidente, dakong alas- 8:30 sa panulukan ng Levitown at Wales St., Don Bosco.

Sa imbestigasyon, naglalakad ang biktima sa gilid ng kalye nang salpukin  ng kulay pula na Toyota Innova Wagon na nagmula sa Wales St.

Sa kabila ng nangyari ay nagtuloy-tuloy pa rin ang sasakyan upang tumakas, sa direksyon ng Moonwalk.

Natukoy na ang sasakyan ay minamaneho ng isang alyas “Salman”, 26, Pakistani at residente ng nasabing barangay.

Isinugod ang biktima sa Ospital ng Parañaque 1 sa tulong ng Brgy Don Bosco rescue team at sasailalim sa operasyon.

Sa pagresponde ng Brgy. Don Bosco BPSO personnel, naharang na ang sangkot na sasak­yan sa bahagi ng 16-18 Street, at itinurn-over sa pulisya.

Nabali ang mga buto sa tuhod, kamay at katawan at may tama rin sa ulo ang biktima.

Nangako naman umano ang suspek na Pakistani na sasagutin ang mga gastusin sa pagpapagamot.

Una nang nagkaroon ng record ang suspek noong Agosto 18 lamang na nagparada ng sasakyan sa gitna ng kalye at natuklasang umiinom ng alak sa loob ng sasakyan.

Hinihinalang nang maganap ang insidente ng pagbangga sa biktima, nakainom ang Pakistani.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with