^

Metro

Club pinadlock ng Quezon City LGU

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

Ayaw makipagtulungan sa contact tracing vs Mpox

MANILA, Philippines — Pinasara ng Quezon City government ang isang club sa lungsod na ayaw makipagtulungan sa isinagawang  contact tracing efforts ng lokal na pamahalaan kaugnay ng kampanya laban sa sakit na Mpox.

Naisilbi na kahapon  ng QC LGU ang Cease and Desist Order at  Notice of Violation sa Fahrenheit Cafe and Fitness Center (F Club) sa  E. Rodriguez Sr. Avenue dahil tumanggi itong makapagsagawa ang  contact tracing team nang imbestigasyon at  inquiries sa naturang establisimyento.

Ang F Club ay malapit sa Infinity Spa sa E Rodriguez na pinuntahan ng isang kliyente na napatunayang may Mpox makaraang magpamasahe dito at magkaroon ng sex encounter.

Noong sabado ay nagtungo ang mga tauhan ng City Epidemio­logy and Surveillance Division (QCESD) ng  City Health Department (QCHD)  sa  F Club para magsagawa ng contact tracing measures makaraang iutos ng  Department of Health’s (DOH) ang posibleng mpox transmission pero tumanggi ang management ng  F Club na ma­kipagtulungan sa mga health officers ng QC LGU.

“Itinuturing nating banta sa kalusugan at kapakanan ng mga QCi­tizen ang ganitong pagtanggi sa isinasagawa nating contact tracing efforts. Maagap ‘yung ginagawa nating pagtugon at imbestigasyon, pero napapatagal at nade-delay dahil ayaw makipag-cooperate,”sabi ni QC  Mayor Joy Belmonte.

Nanawagan din si  Mayor Belmonte sa mga business owners na makipagtulungan sa lokal na pamahalaan laluna sa mga  may public health concerns.

“Nananawagan ako sa mga residente at business owners na makiisa at makipag-cooperate sa mga health event investigation ng lungsod. Ginagawa lang namin ang aming responsibilidad para matiyak na protektado at ligtas ang lahat ng QCitizens,” dagdag ni Belmonte.

Sa ngayon may pitong taga-QC ang patuloy na minomonitor ng CESU makaraang malaman na nandun sila sa naturang Spa nang magpamasahe ang pasyente na may Mpox.

vuukle comment

LGU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with