Konseho sa Maynila, hati-hati na!
17 miyembro humiwalay sa majority block
MANILA, Philippines — Nagsisimula na ang hindi pagkakasundo-sundo sa Manila City Council nang humiwalay ang 17 miyembro mula sa majority bloc kamakailan.
Mistulang ang paparating na eleksyon sa susunod na taon ang nagiging dahilan sa pagkakahati-hati ng mga konsehal, ayon sa ilang nag-oobserba sa takbo ng pulitika.
Una nang naiulat na nasa 17 konsehal ang nag-akusa na hindi patas ang trato sa kanila sa konseho.
Isa sa isyu ang inihaing reklamo laban kay Manila Vice Mayor John Marvin “Yul Servo” Nieto at iba pang miyembro ng konseho ng 17 konsehal na nagkaroon ng “secret session” noong Hulyo 23.
Hinikayat ng bise alkalde ang mga miyembro ng MCC na suriin muna ang kanilang sarili, ang kanilang performance sa konseho kung nagagawa nila ang kanilang trabaho at kung nakakatulong sila para maiangat ang antas ng buhay ng Manilenyo sa pamamagitan ng lehislatura.
Dagdag pa niya, “stand-still mode” ang MCC nitong mga nakaraang araw sa usapin ng pagtalakay sa mga kaugnay na resolusyon na makikinabang ang mga Manileño.
“The ruckus at MCC started a few sessions back, when certain councilors, for whatever reasons, be it personal or otherwise, made a big issue on prerogatives entitled to a presiding officer, such as calling for a recess during sessions to provide time for councilors to discuss among themselves, their differences on issues that are relevant in the promulgation of City Resolutions,” anang bise alkalde.
Binanggit pa ni Nieto na mapanira ang mga komento ng ilan, sa akusasyong iniipit niya ang paglalabas ng pondo ng Sangguniang Kabataan (SK).
Hindi rin aniya mahusay na ginagampanan ng SK president ang kanyang mga tungkulin sa pagkatawan ng mga kabataan sa konseho, na batay sa rekod ng MCC ay hindi kailanman nagpatawag ng hearing para pag-usapan ang mga reklamo ng SK Committee at hindi rin nagpapasa ng ordinansa para sa Committee on Youth Welfare and Sports Development upang pag-usapan.
Ayon sa insider, humihiwalay ang ibang miyembro ng konseho dahil sa nilulutong pagkakampihan kung sinong kandidato ang kanilang itutulak sa darating na 2025 mayoralty race.
- Latest