^

Metro

Trader inaresto sa panunutok ng baril sa sekyu

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Trader inaresto sa panunutok ng baril sa sekyu
Nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Article 282 ng Revised Penal Code (Grave Threat) ang suspek na si alyas “Satar”.
Pixabay

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 59-anyos na negosyante nang maglabas ng baril at pagbantaan ang isang security guard na sumita sa kaniya matapos magprisinta ng lumang parking ticket, sa isang commercial establishment, sa Parañaque City, noong Lunes.

Nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at Article 282 ng Revised Penal Code (Grave Threat) ang suspek na si alyas “Satar”.

Sa ulat ng Parañaque Police Station, dakong alas-2:55 ng hapon ng Agosto 19, sa parking exit ng isang establisyemento sa Barangay Tambo.

Nabatid sa imbestigasyon na papalabas na ng parking ang suspek kaya siya hinanapan ng sekyu ng parking ticket at nang mapansin na expired o luma na ang tiket ay sinabihan ang suspek na hindi iyon ang pwedeng ipakita dahil luma na.

Nagalit ang suspek at naglabas pa ng baril at binantaan umano ang sekyu.

Dahil sa nakakaalarmang sitwasyon, humingi ng saklolo sa mga kasamahang sekyu ang biktima na tumawag ng pulis.

Sa pagresponde ng mga tauhan ng Parañaque City Police Tambo Police Sub-Station nakita ang isang kalibre 40 Caspian handgun na may serial number PL10577, at 17 bala.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with