^

Metro

Bebot, inatado ng selosong live-in partner, suspek timbog

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang isang babae ng kanyang live-in partner dahil sa matinding selos ng huli sa Bagong Barrio, Caloocan City.

Dead on arrival sa MCU Hospital ang biktimang si Marian Angeline Manaois, 22 habang agad na nadakip ang suspek na si Reyand Pude, 22 sa isinagawang follow up operation dakong alas-2 ng madaling araw sa Tanza, Cavite kahapon.

Nangyari ang insidente dakong alas- 7:20 ng gabi nitong Miyerkules, sa harap ng isang restaurant sa Loreto St., Brgy. 85, Bagong Barrio, Caloocan City.

Makikita sa kuha ng CCTV na nakatayo ang biktima sa harap ng restaurant at nagsecellphone nang biglang lapitan ng suspek at paulit-ulit na undayan ng saksak sa katawan.

Bumagsak ang biktima at muling sinaksak ng suspek. Tinangka ng biktima na tumakbo subalit hinabol pa rin ito ng suspek at muling sinaksak hanggang sa tuluyang bumagsak.

Agad na tumakas ang suspek sabay tapon sa ginamit na kutsilyo.

Isang nurse rin ang nakakita sa biktima at pinulsuhan kaya dinala sa ospital subalit binawian din ng buhay.

Lumilitaw na selos ang nakikitang motibo ng pamamaslang dahil sa pagnanais ng biktima na makipaghiwalay sa suspek.

Hindi naman matanggap ng ina ng biktima ang brutal na sinapit ng anak habang sukdulan ang galit sa suspek.

Ayon sa ina ng biktima, magdadalawang buwan pa lang umano nang maglive-in ang anak at ang suspek nang magpasya ang biktima nitong Sabado na makikipaghiwalay at umuwi sa kanya.

Tinangka ring pag- ayusin ng barangay ang biktima at suspek subalit kinagabihan ay isinagawa ng suspek ang krimen.

Nahaharap sa kasong murder ang suspek.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with