^

Metro

‘One-stop shop’ inilunsad sa Marikina

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng tanggapan ni Marikina First District Representative Maan Teodoro, sa koordinasyon ng local government unit (LGU) kahapon ang isang one-stop shop para sa iba’t ibang government services sa Marikina Sports Center (MSC) upang higit pang mailapit ang serbisyo ng pamahalaan sa mga mamamayan ng Marikina.

Nabatid na ang naturang one-stop shop na tinawag na “Maasahan Todo-Serbisyo Caravan” ay naging posible sa pamamagitan ng ini­syatiba ni Cong. Maan.

Layunin nitong mabigyan ang mga residente ng mabilis at mada­ling paraan ng pagproseso ng mga dokumento sa iba’t ibang institusyon ng pamahalaan.

Nabatid na kabilang naman sa mga ahensiya ng pamahalaan na lumahok sa naturang one-stop-shop ay ang Philippine Statistics Authority (PSA), Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Public Attorney’s Office (PAO), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), Land Transportation Office (LTO), Pag-IBIG Fund, Philippine Identification System (PhilSys), at PhilHealth.

“Gusto po namin ni Mayor Marcy (Teodoro) na matulungan ang lahat na mapadali ang pagproseso sa mga government requirements,” aniya pa.

Samantala, nagpasalamat naman si Mayor Marcy sa mga ahensiya ng pamahalaan na lumahok sa one-stop shop.

Nangako rin siya na patuloy na maghahatid sa mga residente ng accessible na government services.

Nabatid na ang one-stop shop ay bukas mula 8:00AM hanggang 5:00PM at pinapayagan din ang mga walk-ins.

MARIKINA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with