Trabaho, klase sa lahat ng antas sa NCR, Region 3 at 4-A sinuspinde ng Malakanyang
MANILA, Philippines — Dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng super typhoon Carina at Habagat, sinuspinde ng Malakanyang ang pasok sa lahat ng antas ng klase at trabaho sa National Capital Region (NCR), Regions III at IV-A ngayong araw Hulyo 25.
Sa inilabas na kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, ang suspensyon ay bilang pagbibigay daan sa rescue, recovery, relief at rehabilitation efforts ng gobyerno at pribadong sektor.
Samantalang ang mga ahensiya naman na may kinalaman sq pagbibigay ng basic at health services, preparedness/response to disasters at calamities at iba pang vital services ay tuloy ang operasyon at serbisyo.
Ang suspensyon naman ng pasok ng mga pribadong kumpanya at tanggapan ay nasa discretion ng kanilang mga pinuno.
Samantala kanselado na rin ang lahat ng events ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong araw.
- Latest