MANILA, Philippines — Pinalaya ang kabuuang 784 persons deprived of liberty (PDL) kaugnay sa pagdiriwang ng Nelson Mandela International Day, na idinaos kahapon.
Sa culminating activity, ang nasabing bilang ang napalaya simula Hunyo 11-18, 2024.
Sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., umabot na sa kabuuang 15,143 PDLs ang napalaya sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sinabi ni Catapang sa kanyang mensahe na pinararangalan si Mandela dahil ang BuCor ay ginagabayan ng mga karaniwang tuntunin ng Mandela kung paano tratuhin ng may dignidad ang mga PDL.
Si Mandela, na nakulong sa kaniyang panahon ay isang mahusay na tao, isang mahusay na pinuno, na kayang magpatawad at kalimutan, magpatuloy at dalhin ang kanyang bansa sa pinakamataas, mas mataas na taas, dagdag ni Catapang.
Sinabi naman ni South African Ambassador to the Philippines Bartinah Tombizodwa Radebe-Netshitenzhe sa mga PDLs, na nagbahagi ng kanyang karanasan noong siya ay nakakulong sa kanyang sariling bansa dahil sa pagiging aktibista, “prison is not a good place, so you should not come back.”