^

Metro

6-day old beybi binenta online, komadrona timbog

Angie dela Cruz, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
6-day old beybi binenta online, komadrona timbog
Stock image of a baby's hand.
Image by Myléne from Pixabay

Sa halagang P25K

MANILA, Philippines — Arestado ang isang babae na nagpakilalang komadrona makaraang magbenta ng isang 6-araw na gulang na sanggol sa halagang P25,000 sa pamamagitan ng Facebook, sa ikinasang entrapment operation ng National Bureau of Investigation Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) sa Muntinlupa City.

Iniharap kahapon ni NBI Director Jaime Santiago sa NBI Headquarters sa Quezon City, ang nadakip na suspek na si Maria Christina Paule y Alontave.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang operasyon ay isinagawa ng NBI-HTRAD sa pakikipag-ugnayan sa Department of Social Welfare and Development (DWSD), DOJ-Inter-Agency Council Against Trafficking (DOJ-IACAT) at sa Cyber-TIP Monitoring Center noong Hulyo 16, 2024 ng umaga sa Muntinlupa City.

Matapos makumpirma ang impormasyon, sinabi ni Santiago na agad na nakipagtulungan ang HTRAD sa DSWD, DOJ-IACAT-NBI CyberTip, at NGO partner Exodus Road Philippines, para sa pagsasagawa ng entrapment at rescue operation.

Nagsagawa ang NBI-HTRAD ng isang open-source intelligence gathering at verification hinggil sa naturang ilegal na aktibidad.

Isang undercover agent ng NBI ang nagpanggap na interesadong bumili ng sanggol. Nagpakilala ang suspek na midwife at malaunan ay nagkasundo silang magkita sa isang lugar sa Muntinlupa City, kung saan ipinakita nito ang sanggol.

Matapos namang kumpirmahin ng suspek ang kanyang intensiyon na ipagbili ang sanggol ay kaagad siyang inaresto ng NBI agents at sinagip ang bagong silang na sanggol, na nasa pangangalaga na ngayon ng DSWD.

Ayon sa aarestong komadrona, hindi pa nakarehistro ang beybi at wala ring birth certificate pero ipoproseso umano ito matapos ang transaksyon.

Pinabulaanan din ng suspek na nagbebenta siya ng mga sanggol at tanging ang 6-day old baby lang ang ibinenta nito upang marekober umano niya ang ginastos nito sa pagtulong sa ina ng sanggol sa panganganak.

Sinabi rin ng suspek sa NBI na inabandona ng ina ang kanyang bagong silang na sanggol.

Pinaghahanap na ng NBI ang ina ng nasagip na sanggol na maaari umanong makasuhan ng “child abuse” o “abandonment and neglect” sa sariling anak.

Sinampahan ang komadrona ng kasong paglabag sa Section 4 (g) ng Republic Act No. 9208 as amended by RA 10364 at RA 11862 o mas kilala sa tawag na “Expanded Anti-Trafficking in Persons and Child Trafficking sa ilalim ng RA 7610 o The Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act in relation to RA 10175 o Cybercrime Prevention Act.

vuukle comment

ARRESTED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with