^

Metro

Remulla, umaming may sama ng loob kay Tansingco

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Remulla, umaming may sama ng loob kay Tansingco
Justice Secretary Jesus Crispin "Boying" Remulla on July 10, 2024.
(Screenshots/RTVM)

Hindi na raw kinakausap

MANILA, Philippines — Umamin si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na may sama siya ng loob kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco.

Kinumpirma ni Remulla na hindi na niya kinakausap si Tansingco matapos na hindi kaagad impormahan ang Department of Justice (DOJ) hinggil sa paglabas ng bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo at ng iba pang indibidwal na iniimbestigahan hinggil sa POGO.
Hindi nagustuhan ng kalihim ang tila ginawang pagtatago ni Tansingco sa mga insidente na dapat sana’y nalaman kaagad ng DOJ.

“Kasi nung nangyari ito (paglabas ni Guo ng bansa), hindi naman niya (Tansingco) ako sinabihan kaagad e. Marahil, alam na niyang matagal yan bago yan lumabas…. Kaya hindi na kami nag-uusap ngayon,” ani Remulla. “Hindi tama yung ganung asal, na hindi ipapaalam sa DOJ secretary yung nangyayari sa opisina nyo.”

Tiniyak rin naman ni Remulla na tuloy ang imbestigasyon sa mga tauhan ng gobyerno, kabilang na ang mga immigration officials, na maaari aniyang tumulong kina Guo upang makalabas ng Pilipinas.

Aniya pa, nangyari na ito noon sa pas­tilyas scam kung saan mga taga-immigration rin ang nagpalusot sa mga Chinese papasok ng bansa.

Paniniguro pa ni Remulla, hindi ligtas sa parusa ang lahat ng mapapatunayang responsable sa pangyayari.

Matatandaang si Sen. Risa Hontiveros pa ang nagbunyag na nakalabas na ng bansa ang mga Guo at saka lamang ito kinumpirma ng mga opisyal ng BI, na nagsabing maaaring nasa Indonesia na ang mga ito.

vuukle comment

JESUS CRISPIN REMULLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with