^

Metro

LRT-2 at MRT-3, may free rides ngayon

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

Sa Araw ng Pinoy seafarers.

MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ng libreng sakay ang mga seafarers o marino ngayong Hunyo 25, bilang selebrasyon ng Day of the Filipino Seafarer.

Ang libreng sakay ay isasagawa ng naturang rail lines sa pakikipagtulungan ng Maritime Industry Authority (Marina) sa Railway Sector ng Department of Transportation (DOTr).

Nabatid na maaaring i-avail ang libreng sakay sa LRT-2 mula 7:00AM - 9:00AM at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM habang sa MRT-3 ay mula 5:30 AM hanggang matapos ang kanilang operasyon.

Upang mai-avail ang libreng sakay, kinakailangan lamang na ipakita ng mga marino ang kanilang balidong Seafarer’s Record Book (SRB), Seafarer’s Identity Document (SID) o kaya’y Seafarer’s Identification Booklet (SIB).

Ang libreng sakay ay tugon ng LRT-2 at ng MRT-3 sa hiling ng Marina para kilalanin ang hindi matatawarang kontribusyon ng mga Pilipinong marino sa international trade at pagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas

“Ito pong libreng sakay sa LRT-2 para sa mga Pilipinong Marino ay pasasalamat natin sa kanilang sakripisyo at ambag para mapaunlad ang maritime sector. Saludo po ang LRTA sa mga magigiting nating marino,” ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) Atty. Hernando Cabrera.

vuukle comment

LRT

MRT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with