9 nag-trespass ng bahay sa Quezon City, kinasuhan

MANILA, Philippines — Nahaharap ngayon sa mga kasong Qualified Trespass to Dwelling, Malicious Mischief at Alarm and Scandal ang 9 katao na biglang umukopa at nanira pa ng ilang kagamitan sa isang bahay sa Brgy. Marilag, Quezon City nitong Sabado.

Kinilala ang mga kinasuhan na sina Jay-ar Sacramento, 36; Renz Abayon, 30; Kith Cabigquez, 41; Joseph Cumayas, 35; Rolando Dalida, 42; Jeffrey Pinohon, 33; Melvy Anlagan, 32; Anna Lou Tilanduca, 42; at Julie-ann Batomalaki, 26.

Sa imbestigasyon ng QCPD Station 8, pinasok ng 9 na nabanggit na indibiduwal dakong alas-4:55 ng hapon nitong Sabado ang isang bahay sa Brgy. Marilag, Project 4, Quezon City.

Nagdulot naman ng tensiyon matapos na okupahin ang bahay ng mga suspek at sinabing sila ang nagmamay-ari at maging ang lupang kinatitirikan nito.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng QCPD na kinabibila­ngan ng DMFB intelligence, DTMU,DOPD, SWAT-QCPD, S2 II CMOBN, CMOR at PA U2- JTF-NCR sa lugar na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga suspek.

Show comments