Libreng inuming tubig ipamamahagi sa Muntinlupa
Sa gitna ng matinding init
MANILA, Philippines — Aarangkada ngayong araw ang “Beat the Heat” caravan ng pamahalaang lokal ng Muntinlupa City para magkaloob ng libreng inuming tubig sa publiko na mas dumaranas ng mainit na panahon, sa lungsod.
Sa anunsyong ipinaskil sa official Facebook page ng City Government of Muntinlupa: “Naglaan ang City Government of Muntinlupa at si Mayor Ruffy Biazon ng libreng inuming tubig para sa mga Muntinlupeñong nasa kalsada ng hanapbuhay, buma biyahe, o may inaasikaso sa labas.”
Maaring makakuha ng libreng inuming tubig simula alas-10:00 ng umaga ngayong Lunes, Mayo 6 sa mga itinakdang lugar.
Kinabibilangan itp ng Muntinlupa Police station sa Laguerta, Barangay Tunasan; Plaza Central, Barangay Poblacion; Soldiers Hills Outpost, Barangay Putatan; Alabang Central Market, Barangay Alabang; Alabang Terminal (terminal for Lawton-bound PUVs), Barangay Alabang; at Sucat Police Station, Sucat Upper, Barangay Sucat.
- Latest