Road reblocking at repair sa Metro Manila, inilarga
MANILA, Philippines — Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na gumamit ng mga alternatibong ruta dahil sa isasagawang reblocking at repair sa ilang kalye sa Kamaynilaan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) simula alas-11:00 ng gabi nitong Biyernes, hanggang alas-5:00 ng umaga sa Lunes.
Kinabibilangan ito ng EDSA San Juan City sa harap ng Eco Oil, Basic Energy, Shell Gasoline Station, sa tapat ng White Plains Avenue (sa tabi ng sidewalk), San Juan City; EDSA Mandaluyong City SB bago ang Ortigas Mrt Station sa tabi ng sidewalk/outerlane, Mandaluyong City; Regalado Avenue NB patungong Commonwealth Ave., Quezon City; Regalado Avenue NB outer lane patungong Commonwealth Ave., Quezon City.
Kabilang pa ang mga lugar na apektado ay ang Susano Road Novaliches sa pagitan ng Heavenly Dr. at Joyville Dr., Quezon City; G. Araneta Avenue, Del Monte Ave. hanggang Mauban St. (2nd lane mula sa bangketa), Quezon City; Congressional Ave. Ext. malapit sa kanto ng T.M. Kalaw St. (truck lane), Quezon City; Payatas Road, Samar St. hanggang Leyte St. (outer lane), Quezon City; Commonwealth Ave., Luzon Ave. hanggang Central (2nd lane mula sa bangketa), Quezon City; Tandang Sora Ave. mula Commonwealth Ave. papunta sa C-5 pagkatapos ng Peace Valley St. hanggang Vic Valley, Quezon City; EDSA SB J.P. Rizal Ave. hanggang Orense sa pagitan ng Cloverleaf at Bernardino St., Makati City.
- Latest