^

Metro

Ama minomolestya ang anak sa motel, timbog ng NBI

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga elemento ng National Bureau of Investigation-Violence Against Women and Child­ren Division (NBI-VAWCD) ang isang tatay dahil sa pagmolestiya sa menor-de-edad na sariling anak na babae sa isang motel sa Norzagaray Bulacan.

Ang suspek na hindi pinangalanan ng NBI ay hinuli nang palabas na ang mag-ama sa pinagdalhang motel ng suspek sa anak sa Bulacan.

Bago ito nagsuplong ang ina ng bata sa NBI.

Dito sinabi ng ina ng biktima tatlong buwan pa lamang ang anak ay inabandona siya ng kanyang asawa.

Aniya noong October 15,2023 at Marso 14, 2024 ay pinayagan niya ang kanilang anak na tumira sa ama nito.

Gayunman, nadiskubre ng ina ang sekswal na relasyon ng anak sa ama nito.

Matapos humingi ng tulong sa NBI ang ina ng biktima, sinundan ng mga operatiba ng NBI-VAWCD ang suspek at anak nito nang malaman na magkikita sa Cubao, Quezon City at saka bumiyahe papuntang Norzagaray at doon nag-check-in sa isang motel.

Nang palabas na ang mag-ama sa motel ay saka hinuli ang suspek at dinala sa DSWD ang menor-de-edad.

Ang suspek ay kinasuhan ng mga paglabag sa Republic Act (RA) 8353, ang Anti-Rape Law, at RA 9262, ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

vuukle comment

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with