NEDA chief, mga staff, na-trapped sa elevator
MANILA, Philippines — Halos dalawang oras na na-trapped sa loob ng elevator ng isang 50-palapag na gusali sa boundary ng Mandaluyong City at Pasig City si National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan at ang kanyang mga staff kahapon.
Patungo sana sina Balisacan sa signing ceremony para sa Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Public-Private Partnership (PPP) Code nang maganap ang insidente sa NEDA Central Office.
Mismong si Balisacan ang nagbunyag ng insidente sa kanyang talumpati sa naturang signing ceremony. Aniya ito ang ‘longest drive of his life’.
Laking pasalamat naman niya dahil ligtas silang nailabas ng mga rescuers mula sa pumalyang elevator.
Ang PPP Code, na bahagi ng Philippine Development Plan 2023 to 2028 ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ay nilagdaan kahapon ng NEDA, kasama ang Department of Budget and Management (DBM), Department of the Interior and Local Government (DILG), PPP Center, Department of Finance (DoF), at ng pribadong sektor.
- Latest