^

Metro

Sunog sumiklab sa PGH, daang pasyente inilikas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Sunog sumiklab sa PGH, daang pasyente inilikas
Mabilis na inilakas ang mga pasyente sa mga wards makaraang sumiklab ang sunog sa main building ng Philippine General Hospital (PGH) kahapon.
Kuha ni Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Tinatayang daang pasyente at kanilang mga bantay ang inilikas matapos na sumiklab ang sunog sa isang ward ng Philippine General Hospital (PGH) sa Ermita, Manila kahapon ng hapon.

Batay sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-3:00 ng hapon nang magsi­mula ang apoy sa main buil­ding ng gusali at kaagad na naitaas sa ikalawang alarma pagsapit ng alas-3:11 ng hapon.

Naideklara naman itong under control dakong alas-3:45 ng hapon.

Nabatid na aabot sa 13 fire trucks ang rumes­ponde sa sunog.

Dahil naman sa sunog, kinailangang ilikas ang mga pasyente sa

Wards 1, 2, 3, 4, at 5 ng PGH, gayundin sa Cancer Institute. Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi dahil sa sunog.

Inaasahan namang kaagad ring pababalikin sa loob ng pagamutan ang mga inilikas na pas­yente sa sandaling matapos ang clearing operation at matiyak na ligtas nang muli ang gusali.

Patuloy pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad upang matukoy ang pinagmulan ng apoy.

Samantala, inihayag ng Department of Health (DOH) na pansamantala munang aampunin ng mga DOH hospitals ang mga pasyente, na karamihan ay matatanda, na inilikas dahil sa sunog na sumilklab sa PGH.

Ayon sa DOH-Health Emergency Management Bureau (HEMB), ililipat muna nila sa iba’t ibang DOH hospitals ang mga pasyente, na pansamantalang nagkakanlong sa parking area ng pagamutan.

Inatasan na rin ng DOH ang mga pagamutang kanilang pinanga­ngasiwaan na maghanda na para mai-accommodate ang mga apektadong pasyente.

Kaugnay nito, inatasan na rin ng DOH ang mga naturang pagamutan na rebisahin ang kanilang DOH fire evacuation plans at magsagawa ng risk analysis sakaling sumiklab ang sunog.

vuukle comment

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with