^

Metro

Chinese fugitive, naaresto ng Bureau of Immigration

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Chinese na umano’y wanted sa Beijing at ­itinuturing na fugitive from justice.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco nakilala ang naarestrong dayuhan na si Zhang Xianfa, 36..

Pasakay  na sana si Zhang sa kanyang  flight patungo sa Guanzhou, China ang dayuhan nang harangin ng mga tauhan ng BI, matapos na mapunang kabilang siya sa database ng BI ng mga aliens na may existing derogatory records.

Kaagad rin namang itinurn-over ang dayuhan sa mga tauhan ng border control and intelligence unit (BCIU) ng BI, na siyang nagdala sa kanya sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Batay sa rekord, si Zhang ay una nang ipinag-utos ng BI board of commissioners na mai-deport sa China dahil sa pagiging undesirable alien noong Mayo 2023.

Isa lamang umano siya sa 16 na Chinese nationals na hinihiling ng Chinese authorities na mai-deport dahil sa mga krimeng nagawa sa kanilang bansa.

Ang 15 pa namang Chinese nationals ay ipinag-utos na rin na mai-deport ng BI.

Sa pag-uutos ng kanilang summary deportation, sinabi ng BI board na nilabag ng mga dayuhan ang ‘terms and conditions’ ng kanilang visa dahil sa pagiging fugitives from justice.

vuukle comment

ARRESTED

BUREAU OF IMMIGRATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with