^

Metro

Dahil sa matinding pagbaha DPWH, MMDA pagpapaliwanagin ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa matinding pagbaha DPWH, MMDA pagpapaliwanagin ng Kamara
Workers from the Department of Public Works and Highways (DPWH) conduct a clearing operation to remove rubbish and mud along G. Araneta Avenue in Quezon City on July 25, 2024 after the onslaught of #CarinaPH and the southwest monsoon.
Miguel De Guzman/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Ipatatawag ng Kamara ang mga opisyal ng Department of Works and Highways (DPWH) at Metro Manila Development Authority (MMDA) bunsod ng matinding pagbaha dulot ng  supertyphoon Carina na pinalala pa ng Habagat.

Ayon kay Manila 2nd District Rep. Rolando “Rolan” Valeriano , Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, pagpapaliwanagin nila sina Public Works Secretary Manuel Bonoan at MMDA Chairman Don Artes kung bakit bigo ang mga flood control projects na mapahupa kaagad ang mga pagbaha.

“Totoo po na record breaking ang rainfall na dinulot ng bagyong ito, subalit dapat ay may kahandaan na tayo sa ga­nito. Expect the worst lagi, ika nga. Ang ating dapat na benchmark ay mga super typhoon na gaya ng Ondoy sa rami ng dalang ulan, at Yolanda, sa lakas ng hanging dala-dala”, ani Valeriano.

Sinabi ni Valeriano, tila barado ang mga kanal at iba pang daanan ng tubig baha kaya nakapagpa­tindi ito sa kalbaryo ng mga residente sa Metro Manila na ang malaking bahagi ay lumubog sa mala-Ondoy na pagbaha.

Ang pagdinig, ayon pa kay Valeriano ay itinakda naman sa darating na Hulyo 31, araw ng Miyerkules.

“ Ang mas mahalaga, ang kailangan na­ting marinig ay ang long term na mga plano at programa ng mga ahensyang ito. Ang ultimate na solusyon ay prevention. Ang hindi na maranasan ng paulit-ulit ang ganitong sitwasyon. Kaawa-awa naman ang ating mga kababayan na parang laging nagre-reboot ang mga buhay sa tuwing may darating na bagyo.”, dagdag pa ng solon.

vuukle comment

DPWH

MMDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with