Mayor Joy Belmonte nanawagan sa total bansa ilegal na paputok: New Year’s countdown panoorin
MANILA, Philippines — Nanawagan si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga law enforcement agencies na mahigpit na ipatupad ang firecracker ban sa lungsod habang naghahanda na ang lokal na pamahalaan sa pinakamalaking countdown ng selebrasyon na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle ngayong bisperas ng Bagong Taon.
“The safety and well-being of our households and businesses is paramount. To minimize, if not eliminate, the harm and damage these firecrackers could bring to our people, we remain committed to implementing our national and local laws prohibiting the use, sale and manufacture of dangerous firecrackers”, apela ni Mayor Belmonte.
Sa halip, hinimok ni Belmonte ang mga residente sa lungsod na ligtas na salubungin ang Bagong Taon sa pamamagitan ng pag-oorganisa ng grand concert at community fireworks display sa Quezon City Memorial Circle.
Ang New Years Countdown sa Quezon City ay pangungunahan naman ng phenomenal artist na si Vice Ganda kung saan star-studded ang gaganaping selebrasyon ng pagsalubong sa Bagong Taon.
Samantalang lalahukan din ito ng iba’t-ibang mga banda na kinabibilangan ng Mayonnaise,Cueshe, Imago, Orange and Lemons, Shamrock, Autotelic at ng Tropical Depression.
Ang QC Countdown to 2024 ay iho-host naman nina Allan K, Tuesday Vargas, Boobay, Tekla at Uma.
Kaugnay nito, nanawagan naman si Mayor Belmonte sa QCitizens na manood sa sama-samang selebrasyon ng lungsod sa pagsalubong sa 2024.
“Inaanyayahan ko ang lahat na ?amahan kami sa napaka-espesyal na pagdiriwang ng bagong taon. Ito ang handog namin sa lahat ng QCitizens na kasama namin sa pagpapabuti at pagpapalago ng ating lungsod. Hangad natin na maging ligtas para sa lahat ng QCitizens ang pagsalubong sa bagong taon,” ayon kay Belmonte.
- Latest