MANILA, Philippines — Bukas na sa publiko gayundin sa mga mag- aaral ang Road Safety Interactive Center (RSIC) na magbibigay kaalaman sa publiko kung paano maging ligtas sa mga lansangan.
Kaugnay nito, nanawagan si LTO chief Vigor Mendoza sa mga school administrators na isama ang state-of-the-art road safety facility ng LTO sa kanilang education tour.
Sinabi ni Mendoza na dapat ikonsidera ng mga school administrator na maisamang bisitahin ang Road Safety Interactive Center (RSIC) ng ahensiya sa kanilang educational tour upang mabigyang kaalaman ang mga kabataang mag-aaral sa kahalagahan ng road courtesy, disiplina sa kalsada at kaligtasan sa paglalakbay.
Ang RSIC ay isang state-of-the-art facility ng LTO na nagkakaloob sa publiko at mag-aaral ng educational at interactive stations na may kumpletong driving simulators sa mga two at four-wheeled vehicles.
Noong lunes ay pormal nang binuksan ng LTO sa publiko ang naturang pasilidad.