^

Metro

Ammonia leak sa Taguig: Daan daang residente inilikas

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ammonia leak sa Taguig: Daan daang residente inilikas
Sa ulat ng Taguig Public Information Office, dakong alas-8 ng umaga nang maiulat ang ammonia leak sa isang ice plant sa may M.L. Quezon St., Brgy. Lower Bicutan, na agad nirespondehan ng mga tauhan ng Taguig City Rescue at Bureau of Fire Protection.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Daan-daang residente ng Barangay Lower Bicutan sa Taguig City ang inilikas makaraang sumingaw ang ammonia sa isang ice plant, kahapon ng umaga.

Sa ulat ng Taguig Public Information Office, dakong alas-8 ng umaga nang maiulat ang ammonia leak sa isang ice plant sa may M.L. Quezon St., Brgy. Lower Bicutan, na agad nirespondehan ng mga tauhan ng Taguig City Rescue at Bureau of Fire Protection.

Inilikas ng City Social Welfare and Development Office ang mga apektadong residente sa eva­cuation site sa Hagonoy Gymnasium.

Agaran din na sinuspinde ang klase sa kalapit na R.P. Cruz Elementary School para matiyak ang kaligtasan ng mga estud­yante. Hinarangan din ang mga kalsada patungo sa site para mapigilan na makapasok ang mga motorista.

“The Taguig Rescue, BFP NCR, and PNP Explosive Ordnance Disposal (PNP EOD) team are presently conducting an investigation, assessing the ammonia levels, and monitoring wind direction in the area,” ayon sa lokal na pamahalaan.

Nagtatag ng incident command post ang lokal na pamahalaan sa nabanggit na paaralan upang magbigay ng agarang updates sa sitwasyon.

Dakong alas-9 ng umaga nang ideklara ng BFP na na-contain na ang ammonia leak.  Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Sa kabila nito, inilagay ang lahat ng barangay sa Taguig sa alert status para agad na masaklolohan ng ambulansya na may medical oxygen kung kakailanganin.

AMMONIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with