‘KADIWA ng Pangulo’, buwanang gagawin sa DILG Central Office

Government employees and some residents of Quezon Province avail freshly harvested crops and other agricultural products from the Kadiwa ng Pangulo para sa Manggagawa stalls at a compound in Barangay 10, Lucena City on July 17, 2023.
Photos courtesy of Nicole Joseph Polo) | via Michelle Zoleta

MANILA, Philippines — Plano ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr na gawin nang buwanan ang pagdaraos ng Kadiwa ng Pangulo sa DILG Central Office sa Quezon City.

Ayon kay Abalos, gagawin naman itong dalawang beses kada buwan habang papalapit ang panahon ng kapaskuhan.

Ito ay sinabi ni Abalos matapos dalhin ang murang produktong agrikultura at iba pang produkto ng small and medium enterprises (SMEs) sa mga empleyado ng DILG at National Police Commission noong Biyernes.

Sinabi ni Abalos na ang proyekto ay ipinapatupad na sa mga local government units.

Itinakda ang Kadiwa ng Pangulo market days tuwing ika-15 at ika-30 araw ng bawat buwan.

Ang idinaos na Kadiwa ng Pangulo sa DILG Central Office ay bahagi ng pagdiriwang ng National Nutrition Month.

Kasama sa proyekto ang Department of Agriculture,Department of Social Welfare and Development, National Nutrition Council at Coo­perative Development Authority.

Show comments