Taas-presyo sa petrolyo, ratsada ngayon
MANILA, Philippines — Inanunsyo nitong Lunes ng mga lokal na kumpanya ng langis ang kanilang ikalawang sunod na linggo na pagtaas sa presyo ng petrolyo na ipatutupad ngayong Martes.
Sa ganap na alas-12:01 ng madaling araw, magpapatupad ang Chevron Philippines ng pagtaas sa mga produktong gasolina nito ng P1.35 kada litro, diesel ng P0.45 kada litro at kerosene ng P0.35 kada litro, habang dalawang iba pang malalaking kompanya ng langis, Petron Corporation at Pilipinas Shell ang magdadala ng parehong pagtaas ng presyo simula alas-6:00 ng umaga.
Inihayag ng mga independent oil firm na PTT Philippines, Phoenix Petroleum, Petro Gazz, Unioil Philippines, Total Philippines at Eastern Petroleum na hindi nagbebenta ng kerosene na magpapatupad din sila ng dagdag na P1.35 kada litro sa gasolina at P0.45 sa kada litro ng diesel pagsapit ng alas-6:00 ng umaga.
May pagkakataon naman ang mga motorista na makahabol sa mas mababang presyo dahil ang Clean Fuel ay pagpatak pa ng alas-4:01 ng hapon ng Martes.
Sinabi ng Opisyal ng Komunikasyon ng PTT na si Jay Julian na ang ikalawang round ng pagtaas ng presyo ng domestic pump ngayong linggo ay sumasalamin sa paggalaw sa pandaigdigang merkado ng langis.
- Latest