^

Metro

5,300 trabaho bubuksan sa Caloocan mega job fair

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mahigit sa 5,300 job vacancies ang inilaan ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa kanilang idaraos na “Mega Job Fair” para sa mga residente na naghahanap ng trabaho sa Biyernes, Hulyo 7.

Ayon kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan, sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) isasagawa ang  mega job fair sa Caloocan City Sports Complex.

Ani Malapitan,  dapat na  samantalahin ng mga job seekers ang pagkakataon na makahanap ng  maayos na trahabo.

Nagpahayag din ng  pasasalamat si Malapitan sa Caloocan-PESO  at sa 53 partner companies sa patuloy na suporta upang mataguyod ng mga residente ng  Caloocan ang kanilang pamumuhay.

“Alam po natin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng maayos at stable na hanap-buhay kaya naman po prayoridad ng pamahalaang lungsod na gumawa ng mga programang maglalapit ng mga oportunidad sa ating mga kababayan. Asahan po ninyo na mada-dagdagan pa ang ganitong mga klase ng proyekto para sa ikauunlad ng Lungsod ng Caloocan,” ani Malapitan.

vuukle comment

MEGA JOB FAIR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with