^

Metro

Opisyal ng ipinasarang ampunan, kinasuhan ng kidnapping

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Opisyal ng ipinasarang ampunan, kinasuhan ng kidnapping
Kasong kidnapping  ang isinampa ng isang ina laban kay Charity Graff,  executive director ng ampunan dahil sa kabiguan nitong maibalik sa kanya ang kanyang anak kahit makailang beses na niyang hiniling ito.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Sinampahan ng kaso sa  Quezon City Prosecutors Office ang opisyal ng Gentle Hands Inc. ng (GHI) ng ina ng batang sinasabing umano’y ‘kinidnap’ ng ampunan sa Quezon City, kamakailan.

Kasong kidnapping  ang isinampa ng isang ina laban kay Charity Graff,  executive director ng ampunan dahil sa kabiguan nitong maibalik sa kanya ang kanyang anak kahit makailang beses na niyang hiniling ito.

Sa limang pahinang rek­lamo sa korte, inakusahan ng ina ng bata si Graff na ‘kumidnap’  sa kanyang anak na paglabag sa Article 270  ng  Revised Penal Code.

Sa court record,  ipinasok ng ina sa ampunan ang anak noong January para lamang sa isang buwan na pamamalagi dito dahil siya ay isang single parent at ang tagapag-alaga sa anak ay nakabakasyon.

Mula noon, sinabi ng ina na hirap na siyang makita ang kundisyon ng anak lalo pa nga’t pinapayagan lamang siya ng ampunan na ma­kita ang anak sa loob ng 10 minuto.

Kahit na igiit kay Graff na habaan ang oras ng pagbisita sa anak, sinabihan pa siya nito na wala itong kuwentang ina.

Sinabi pa nito na dumating sa punto na pinagbawalan na siyang makita ang anak at itinataboy siya pabalik ng bahay kapag nais dalawin ang anak.

Anya, sinabihan pa siya ni Graff na magpakita ng  Parental Capability Assessment Report (PCAR) pero nang magdala ng PCAr ay hindi rin naibalik sa kanya ang anak.

Binigyang diin ng complainant na dahil sa paghihiwalay sa kanya ni Graff sa anak ay lumubha ang kanyang trauma at nawalan na ng pag-asa sa buhay.

Sinabi ng  complainant na isa ang kanyang anak sa mga batang nasa ampunan na naisalba ng mga awtoridad makaraang maipasara ang ampunan.

Noong Mayo 26 lamang sa tulong ng DSWD ay naibalik sa kanya ang kanyang anak.

Una rito,  ipinasasara ng DSWD ang ampunan dahil sa rekomendasyon ng Bureau of Fire Protection hinggil  sa mga nakitang paglabag sa Fire Code.

GHI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with