^

Metro

Pagbebenta at paggamit ng vape sa Valenzuela, hinigpitan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Pagbebenta at paggamit ng vape sa Valenzuela, hinigpitan
Ang nasabing ordinansa ay ang Ordinance No. 1098, Series of 2023 o ang Non-Combustible Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems Regulations, ang pagbili, pagbebenta at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine na mga produkto o nobelang produktong tabako ay para lamang sa mga may edad 18 pataas.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pirmado na ni Valenzuela City Mayor Wes Gatchalian ang ordinansa na nagre-regulate sa paggamit at pagbebenta ng vape products sa lungsod.

Ang nasabing ordinansa ay ang Ordinance No. 1098, Series of 2023 o ang Non-Combustible Nicotine and Non-Nicotine Delivery Systems Regulations, ang pagbili, pagbebenta at paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine na mga produkto o nobelang produktong tabako ay para lamang sa mga may edad 18 pataas.

Ani Gatchalian, dapat na matiyak ng Valenzuela LGU  na hinihingan ng mga retailer  ng valid ID  ang mga retailer na may kasamang litrato na government issue na may edad at kaarawan bago bentahan.

Tanging mga nakarehistro sa Department of Trade and Industry (DTI) at Securities and Exchange Commission (SEC) ang maaari lamang makapagbenta ng kanilang mga produkto online subalit kailangan pa rin umanong tiyakin sa pamamagitan ng online platform na ang kanilang customer ay nasa hustong edad na at hindi menor-de-edad.

Ipinagbabawal din ng lokal na pamahalaan na mag-promote o mag-advertise at magsagawa ng mga demonstrasyon ang mga nagbebenta ng vape sa loob ng 100-metro mula sa mga perimeter point ng paaralan, mga palaruan o iba pang lugar na madalas puntahan ng mga minor o bata.

Nakasaad din sa ordinansa na ang mga establisiymento na nagbebenta ng non-nicotine products ay dapat maglagay ng malinaw na signage na -- “Ang pagbebenta o pamamahagi ng Vapo­rized Nicotine at Non-Nicotine Products sa mga taong wala pang 18-taong gulang ay iligal. Ang mga produktong ito ay nakakapinsala at naglalaman ng nikotina na isang lubhang nakakahumaling na sangkap. Hindi ito inirerekomenda para sa paggamit ng mga hindi naninigarilyo.”

Ang paggamit ng vaporized nicotine at non-nicotine products ay ipinagbabawal din sa mga pasilidad o institusyon ng paaralan, elevator, mga lugar na may panganib sa sunog tulad ng mga gasolinahan, pampublikong lugar, ospital, simbahan, transportasyon at conference hall.

Ang mga lalabag na mga nagnenegosyo ng vape sa ordinansa ay papatawan ng parusang administratibo at pagmumultahin ng P20,000 sa unang paglabag, P30,000 sa ikalawang paglabag at P50,000 sa ikatlong pagkakataon.

WES GATCHALIAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with