Parcel na naglalaman ng 5 kilo ng opium nasabat
MANILA, Philippines — Isang parcel na naglalaman ng humigit-kumulang sa limang kilong opium ang naharang ng mga tauhan ng Bureau of Customs at NAIA PDEA-IADITG sa Central Mail Exchange Center(CMEC) sa Domestic Road. Pasay City.
Ang parcel ay padala ng isang Sammee Singh mula Navarro De Haro, Murcia, España/Spain na idineklarang Cereals Corn flakes.
Naaresto naman ang consignee na si Amandeep Singh, Indian national, 37, negosyante at residente ng Chester Place Subd., Burol, Dasmariñas, Cavite.
Inaalam pa ang halaga ng nasabat na opium.
Naiturn-over na ng Bureau of Customs Port of NAIA sa PDEA-IADITG ang mga nasabat na opium.
Hawak na rin ng NAIA-PDEA ang claimant ng parcel para sa malaliman imbestigasyon at pagsasampa na rin ng kaukulang kaso laban sa suspek.
- Latest