Number coding sa Makati City, suspendido sa Abril 6,7 at 10
MANILA, Philippines — Suspendido ang number coding scheme sa lungsod ng Makati City sa mula Abril 6, 7 at Abril 10.
Nitong Biyernes, nagpalabas ng advisory ang Makati City government na nag-anunsyo hinggil sa pagsuspinde ng ng number coding scheme, na hiwalay sa ipatutupad naman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba pang mga lungsod sa National Capital Region (NCR).
Una nang nag-anunsyo ang MMDA na sususpendihin ang Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) o number coding scheme sa Metro Manila mula Abril 6 hanggang Abril 10.
Ang Abril 6 at 7 ay regular holidays habang ang Abril 8 (Black Saturday) ay special non-working holiday.
- Latest