MANILA, Philippines — Ikinatuwa ng National Security Council (NSC) ang pagtatalaga kay dating Interior and Local Government undersecretary at spokesperson Jonathan Malaya bilang bagong assistant director general ng ahensya.
Itinalaga ni Pangulong Marcos Jr. si Malaya sa ahensya noong Marso 7, ayon kay National Security Adviser Eduardo M. Año.
“We welcome his appointment to the NSC. Nagtrabaho ako ng malapit sa kanya sa DILG sa loob ng limang taon. Ang 25-taong karanasan ni Malaya sa serbisyo publiko gayundin ang kanyang napatunayang dedikasyon at pangako sa pambansang interes ay magsisilbing mabuti sa ahensyang ito at sa bansa,” ani Año.
Bago ang kanyang appointment sa NSC, si Malaya ay isang senior lecturer sa University of the Philippines National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG) kung saan nagturo siya ng mga kurso sa public accountability, ethics in the public service, metropolitan at regional governance, at pampublikong patakaran.
Siya rin ang executive director ng Local Government Development Institute, isang think tank at training institute na nagtataguyod ng kahusayan sa mga lokal na pamahalaan.
Bukod sa kanyang naging posisyon sa DILG, nagsilbi siya dati bilang Assistant Secretary sa Office of the President, Department of Education, at Office of the Solicitor General.