MANILA, Philippines — Nasa 150 pamilya ang nawalan ng tahanan habang tatlo ang iniulat na nasugatan sa naganap na sunog sa residentail area sa Sucat, Muntinlupa City, kahapon.
Sa ulat ng Muntinlupa City Fire Station, dakong alas-12:39 ng tanghali nang magsimula ang sunog sa 44 Upper Sucat, Brgy. Sucat, Muntinlupa sa bahay na pag-aari ng isang Jinna Lucero.
Dakong alas-2 ng hapon nang ideklara itong fire under control.
Tinatayang P300,000 ang napinsalang ari-arian mula sa humigit-kumulang 50 kabahayan na natupok.
Umabot sa 25 fire truck mula sa Bureau of Fire Protection, local government units at volunteer groups ang nagtulung-tulong sa pag-apula ng apoy.
Nasa 7 ambulansiya rin ang umalalay sa insidente.
Inaalam pa ng Bureau of Fire kung ano ang pinagmulan ng sunog.