^

Metro

Diño, 6 pa kinasuhan ng PCG

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinampahan ng mga kasong kriminal ng Philippine Coast Guard (PCG) si dating Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Martin Diño at ilan pang mga opisyal sa sinasabing bogus na PCG Auxiliary (PCGA) Balangay dahil sa ilegal na paggamit sa pangalan ng organisasyon at paghingi ng membership fee sa kanilang mga nire-recruit na miyembro.

Nabatid na nitong ­Enero 13 nang sampahan ng PCG Station Bataan ng mga kasong estafa, usurpation of authority, at unlawful use of logo and insignias sa Bataan

Prosecutor’s Office ang 101st Balangay PCGC, Inc. kung saan isa sa incorporators si Diño.
Bukod kay Diño, ang iba pang incorporators ng organisasyon ay sina Renante Nase, Agustin Soria, Jr, Laurence Nase, Reniel Nase, Jerry Delos Santos, at Christine Lingat.

Higit sa 500 residente ng Bataan umano ang ni-recruit ng grupo at hi­ningian ng membership fees sa pangako na mabibigyan sila ng trabaho sa PCG. Itinanggi ng PCG na may kinalaman sila sa naturang grupo.

Samantala, sinampahan din ng reklamo ng PCG ang grupo ni Diño sa Securities and Exchange Commission (SEC) bilang “bogus” na grupo na hindi kinikilala ng kanilang pamunuan. 

Nabatid na nagawang makapagparehistro ng 101 Balangay PCGA, Inc. sa SEC noong Agos­to 4, 2022 nang walang pahintulot ng PCG.
“They have been warned accordingly. We will coordinate with other law enforcement agencies like NBI and the PNP to effect arrest should they continue to misrepresent the PCG and solicit money from ordinary people they are recruiting in the rural areas,” ayon kay PCG spokesman CG Commodore Armand Balilo.

Nagsagawa rin umano ang 101st Ba­langay PCGA, Inc. ng induction ceremonies at nagsusuot ng uniporme, insignia, at ranggo, na nagpapakilala na parte sila ng PCG at PCGA. 

Ipinagkalat pa umano ng grupo na may basbas ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu ang kanilang mga aktibidad.

“If proven guilty, babawiin ang appointment kay ex-DILG Usec. Diño as ‘Auxiliary Commodore’ saad pa ni Balilo.

MARTIN DIñO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with