Sa ilang pamilihan sa Metro Manila
MANILA, Philippines — Nasa P720 sa kada kilo ang bentahan ng sibuyas sa ilang palengke sa Las Piñas City at Mandaluyong City .
Ayon pa sa ilang vendors dito posibleng sa mga susunod na araw ay tumaas pa umano ang presyo nito kung kaya maraming mamimimili ang humiling na sa pamahalaan na maaksiyunan ang sobrang taas ng presyo nito.
Umabot na umano ang ganitong presyo dahil ayon sa mga vendors kailangan nilang magbayad sa kanilang supplier ng P680 sa kada kilo nitong nakalipas na Miyerkules.
Sa isang pahayag ni Department of Agriculture deputy spokesperson Rex Esoperez sa interview sa Super Radyo dzBB na nakarating sa kanila ang ulat sa mataas na presyo ng sibuyas kadalasan ay nasa P550 ang kada kilo na lubha umanong nakaka-shock.
Dahil dito nag-advise pa nga ang DA sa mga consumers na huwag bumili ng kilu-kilo kundi ang ayon lang sa kanilang pangangailangan.
Ayon pa sa kanya ang SRP sa sibuyas ay nasa P170 lamang ang kada kilo, habang ang farmgate prices ay aabot sa P300/kg.
“To be reasonable on that and practical — pero mukhang maraming magagalit sa ‘kin — e ‘di ‘wag tayong bumili ng isang kilo, di ba? Kung ano lang ang makakaya nating bilhin, ayun muna,” dagdag pa ni Estoperez.
Nauna nang inihayag ng DA na hindi nila kinokonsidera ang pag-iimport ng sibuyas dahil sa inaasahang anihan sa darating na Enero at Pebrero kung saan dadami ang supply at ang kasunod nito ay pagbaba ng presyo.
Ayon kay Estoperez, na susuriin nila kung may pangangailangan na para mag-import kung hindi mag-normalize ang supply nito.
“Tignan natin this coming January and February na harvest season kung talagang ganu’n pa kanipis [ang supply]. Then let’s decide kung ano ang gagawin natin. Baka naman doon sa pag-produce natin, tanungin natin ang sarili natin, sapat ba talaga ang ating pino-produce o kailangan nating mag-angkat? Baka may problema rin tayo sa ating mga interventions sa pamahalaan kung bakit ganoon ang produksyon ng sibuyas,” pahayag pa nito.