Technician kalaboso sa P3K palit sa sex sa minor

MANILA, Philippines — Kalaboso ang aircon technician makaraang alukin ng pera ang 12-anyos na nene para makipagtalik sa kaniya kamakalawa ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 7610 (Child Abuse) ang suspek na si Nino Boco, 24, ng Sta Cruz, Manila.

Sa salaysay ng biktima na itinago sa alyas na ‘Kay’, nasa loob siya ng inuupahang kuwarto sa Sta. Cruz nang pasukin ng suspek at alukin ng P3,000. Nang ipaulit ng biktima kung ano ang sinabi, bibigyan umano siya ng P3,000 kung didilaan ang kaniyang ari.

Nagpakita pa umano ng isang sex video sa cellphone ang suspek dahilan para matakot ang bata. Maya-maya pa umalis na ang suspek na nakangisi pa sa batang babae.

Matapos nito, agad na isinumbong ng bata ang pangyayari sa kaniyang ina na siyang humingi ng saklolo sa barangay at sa pulisya. Dito inaresto si Boco na nakaditine ngayon sa Sta. Cruz Police Station 3 detention cell.

Show comments