^

Metro

2 patay, 2 sugatan sa Navotas shooting 

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 patay, 2 sugatan sa Navotas shooting 
Idineklarang dead on arrival sa Navotas City Hospital ang mga biktimang sina Jhomarie Flores at ang batang lalaki.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dalawa katao ang nasawi, kabilang ang isang 9-anyos na batang lalaki, habang dalawa pa ang nasugatan matapos na pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan ang kanilang tahanan sa lungsod ng Navotas nitong Biyernes ng gabi.

Idineklarang dead on arrival sa Navotas City Hospital ang mga biktimang sina Jhomarie Flores at ang batang lalaki.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang mga sugatang biktima na sina Gerardo Garcia, 30 at Cerina dela Cruz, 28 matapos ilipat sa nasabing pagamutan.

Samantala, kinondena naman ni Navotas City ­Mayor John Rey Tiangco ang madugong pamamaril kung saan nagpaabot din ito ng pakikiramay sa pamilya ng mga biktima.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-8 ng gabi ng maganap ang insidente habang nasa loob ng kanilang tahanan ang mga nasawi sa  Bagong Kalsada St. Brgy. Tangos South,  nang biglang sumulpot sa lugar ang dalawang salarin.

Agad na pinagbabaril ng mga ito ang tahanan ng mga biktima na nasapul ng mga tama ng bala sa katawan.

Sina Garcia at dela Cruz na mga kapitbahay ng mga biktima ay nakatayo sa tabi ng  bahay ay mahagip ng mga bala.

Patuloy naman ang masu­sing imbestigasyon ng pulisya sa insidente para mabatid ang motibo at kung sino ang mga suspect.

vuukle comment

JOHN REY TIANGCO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with