5 arestado sa buy-bust

Kinilala ang mga suspek na sina  Nicasio Pineda Masangkay, isang HVT; Wolfrando Aladeza Amarga Jr. 37 ;  Ricky Bonayog Jackson 42 ; Jesusa Pineda Masangkay, 55  at  Apple Pineda Masangkay 35.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang 59-anyos na kabilang sa high value target individual at apat pa ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang buy-bust operation sa Upper Bicutan, Taguig City, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga suspek na sina  Nicasio Pineda Masangkay, isang HVT; Wolfrando Aladeza Amarga Jr. 37 ;  Ricky Bonayog Jackson 42 ; Jesusa Pineda Masangkay, 55  at  Apple Pineda Masangkay 35.

Sa ulat, dakong alas- 5:55 ng hapon ng nang maaresto ang mga suspek ng magkasanib na puwersa ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) at District Mobile Force Batallion (DMFB) ng Southern Police District sa  Yanson Street Purok 2 Brgy Upper Bicutan , Taguig City.

Nasamsam sa  mga ito ang nasa 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000,

Nahaharap na kasong paglabag sa  Sections 5, 6 at 11 ng Republic Act 9165.

Show comments