^

Metro

Higit 1K sako ng basura nahakot sa Dolomite beach

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Higit 1K sako ng basura nahakot sa Dolomite beach
Volunteers and members of several government agencies conduct a clean-up drive at the Dolomite Beach in Manila Bay on Sept. 17, 2022.
The STAR/Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Higit sa 1,000 sako ng basura ang nahakot ng daan-daang volunteers na nagtulung-tulong sa paglilinis sa baybayin ng Manila Bay kabilang ang Dolomite Beach sa Roxas Blvd., Maynila kaalinsabay ng International Coastal Cleanup Day kahapon.

Kabilang sa mga nahakot ng mga volunteers mula sa mga non-go­vernment organizations at ahensya ng pamahalaan ang mga plastic sachets ng iba’t ibang produkto, tsinelas, plastic bags, at iba pang hindi nabubulok na basura.

Ayon sa Philippine Coast Guard, nag-umpisa ang coastal clean-up dakong alas-6 ng madaling araw at nagtapos ng alas-9 ng umaga.

Kasabay rin nito ang clean-up drive sa mga baybayin naman ng tatlong barangay sa Navotas City na nilahukan ng 150 volunteers.

Isinasagawa ang International Coast Cleanup Day tuwing ikatlong Sabado ng Setyembre para pataasin ang kamalayan sa lumalalang problema sa basura na nakakaapekto sa mga dalampasigan sa buong mundo.

Kilala ang Manila Bay sa napakaganda nitong ‘sunsets’ ngunit nagiging panira naman ang maraming basura na itinataboy sa mga baybayin nito, bukod pa sa polusyon dulot ng langis na nagpapaitim sa tubig.

DOLOMITE BEACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with