MRT-3 may libreng sakay sa government employees sa Lunes

Commuters queue for the free ride at the MRT-3 North Avenue Station in Quezon City on Monday morning (March 28, 2022). The MRT-3 offers free rides to commuters for a month, starting March 28 to April 30, following the completion of the rehabilitation project of the train system and as part of the government’s effort to help ease the commuters' financial burden.
STAR/Miguel De Guzman, file

MANILA, Philippines — Magkakaroon ng libreng sakay ang MRT-3 para sa mga lingkod ba­yan o kawani ng gob­yerno bukas, Sept.19,2022 bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Philippine Civil Service Anniversary sa bansa.

Ayon kay MRT-3 Ge­neral Manager Engr. Fe­derico J. Canar, Jr. ang libreng sakay ay isang simpleng pagpapakita ng pasasalamat sa lahat ng mga lingkod bayan na tapat at buong dedikasyon na nag-aalay ng kanilang galing upang mapaglingkuran ang bansa.

Magsisimula ang libreng sakay alas-7:00 hanggang hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-7:00 ng gabi.

Para makapag-avail ng libreng sakay, magpakita lamang ng valid government ID sa MRT-3 personnel na matatagpuan sa service gate ng bawat istasyon upang mabigyan ng Magnetic Single Journey Ticket.

Show comments