^

Metro

Bodega ng asukal sa Quezon City, ininspeksiyon ng BOC-MICP at AFP

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ininspeksiyon ng  composite team ng mga ahente ng Bureau of Customs (BOC)-Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS), Enforcement and Security Service-Quick ­Response Team ng Manila International Container Port (MICP), at Armed Forces of the Philippines (AFP), ang La Perla Sugar Export Corporation sugar warehouse sa Quezon City kamakailan.

Sa pamamagitan ng Letter of Authority (Reference No. 08-23-168-2022) na ­inisyu ni Commissioner Commissioner Yogi Filemon L. Ruiz, umaksiyon ang grupo upang alamin kung anu-ano ang mga laman ng bodega.

Dito nila natuklasan ang nasa 57,000 sako ng mga imported refined sugar mula sa Thailand na tinatayang nagkakahalaga ng P285 mil­yon. Bawat sako ay naglalaman ng 50 kilo at tinatayang aabot sa P5,000.

Agad rin namang nagsagawa ang composite team at customs examiners ng routinary inventory at inspection ng mga incoming goods.

Ang mga clearance mula sa Sugar Regulatory Admi­nistration (SRA) na nakakasakop sa naturang goods ay isinailalim din sa balidasyon ng grupo.

Tiniyak naman ni District Collector Romeo Allan Rosales na ang Port ay nananati­ling vigilante sa monitoring ng pagproseso at pag-release ng mga inangkat na asukal sa bansa.

vuukle comment

MICP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with