Buong puwersa ng MPD sub-station sinibak
Sa robbery extortion ng 3 pulis
MANILA, Philippines — Pinasibak ni Philippine National Police chief General Rodolfo Azurin ang buong puwersa ng Paco Police Community Precinct (PCP) ng Manila Police District (MPD) matapos na masangkot sa robbery extortion ang tatlong pulis nito.
Sa pulong balitaan, sinabi ni Azurin na kailangan sumailalim sa refresher course ang mga pulis na nagdudulot ng masamang imahe sa PNP.
“Ngayong umaga po ay isa po diyan sa ire-relieve po ng ating district director ng MPD ay ‘yun pong buong personnel ng Paco sub-station,” ani Azurin kahapon.
Sinabi ni Azurin na papalitan muna ng ibang pulis ang mga tinanggal na police personnel.
Ang Paco Police Community Precinct (PCP) ay nasa ilalim ng Ermita Police Station.
Ayon naman kay MPD spokesman Philip Ines, 17 personnel kabilang ang commander ng Paco PCP ay sasailalim sa refresher course sa Camp Bagong Diwasa loob ng 45 days.
Matatandaan na tatlong pulis ng Paco PCP ang inireklamo ng pangongotong ng P2,000 sa isang tricycle driver upang ma-release sa impounding ang kanyang tricycle.
- Latest