Parañaque governmentt suportado ang urban gardening
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa panawagan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatupad ang programang “Green Revolution” sa pamamagitan ng pagsusulong ng urban gardening sa lungsod.
Sinabi ni Ginang Aileen Olivarez, asawa ni Mayor Eric Olivarez at pinuno ng Clean and Green Office ng lungsod, na ang urban farming sa bawat barangay ay lubhang karapat-dapat dahil ito ay nagbibigay ng masustansyang pagkain na abot-kaya at madaling makuha ng mga nangangailangan nito.
“Hinihikayat ng urban gardening ang komunidad na malaman kung saan nanggagaling ang pagkain, kung paano ito lumaki, at kumonekta sa mga taong nagtatanim nito,” sabi ni Olivarez na nagpasimula noong nakaraang linggo ng pagtatanim ng mga puno sa gitnang isla ng mga pangunahing kalsada sa lungsod.
Una rito, hinimok ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Felicito Valmocina ang mga opisyal ng mahigit 42,000 barangay sa bansa na isama ang pagtatanim ng gulay sa kani-kanilang mga programa upang maitanim sa isipan ng kani-kanilang nasasakupan ang halaga ng pagsasaka sa lunsod.
Sinabi rin ni Gng. Olivarez na ang pagsasaka sa lunsod ay pinaliit ang carbon footprint ng mass-produced na ani.” Nagbibigay ito ng solusyon sa banta ng food insecurity sa mga lungsod dahil nagbibigay ito ng sariwa, masustansyang pagkain sa mga Pilipino,” paliwanag niya.
- Latest