^

Metro

May 8 warrant of arrest Doktor na namaril sa Ateneo graduation ‘pugante’

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
May 8 warrant of arrest Doktor na namaril sa Ateneo graduation ‘pugante’
A body bag (C) is taken away from the scene after three people were killed in a shooting at Ateneo de Manila University in Quezon City, suburban Manila, on July 24, 2022. Three people were killed July 24 in a rare shooting at a university in Quezon City, in what appears to have been a targeted political assassination.
AFP / Maria Tan

MANILA, Philippines — Isang fugitive o pugante ang doktor na bumaril at nakapatay kay dating Lamitan City Mayor Rose Furigay at dalawang iba pa, sa shoo­ting incident na naganap sa campus ng Ateneo de Manila University sa Quezon City noong Linggo ng hapon.

Ayon kay Atty. Quirino Esguerra, abogado at tagapagsalita ng pamilya Furigay, ang suspek na si Dr. Chao Tiao Yumol, 38, ay nagtatago sa mga alagad ng batas noon pang Enero ng nakaraang taon matapos na mag-jump bail sa kinakaharap na cyberlibel cases.

“Itong akusado, itong gunman na ito ay a fugitive or in hiding since January 2021. Nag-jump po ito ng bail,” anang abogado.

Aniya pa, “Kami po ay nagtataka bakit hindi ito nahuli. Meron po siyang 8 warrants of arrest — 7 sa cyberlibel cases, 1 case dun sa indirect contempt.”

Nabatid na si Yumol ay sinampahan ng ilang cyberlibel complaints matapos na akusahan ang pamilya Furigay sa isang video sa Facebook na sangkot sa illegal drug trade sa Lamitan.

Isinagawa aniya ni Yumol ang akusasyon laban sa pamilya matapos na ipag-utos ng lokal na pamahalaan ang pagpapasara sa kanyang infirmary clinic, na nasa tapat lamang ng city hall, dahil sa kawalan ng permit to operate mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Inatasan pa umano ng city council at ni Furigay, na noon ay alkalde pa, si Yumol na magpaliwanag hinggil sa nagawang paglabag ngunit sa halip na gawin ito ay nagpaskil na lamang ng malisyosong FB post.

Ayon pa sa abogado, si Yumol ay sinampahan din ng indirect contempt dahil sa paglalabas ng malisyosong posts laban sa abogado ng Regional Trial Court Branch 12 sa Zamboanga City.

Ipinag-utos pa umano ng hukom na makulong si Yumol ng dalawang buwan at magmulta ng P30,000 dahil dito.

Samantala, binigyang-diin din naman ni Esguerra na walang katotohanan at walang basehan ang mga akusasyon ng suspek laban sa pamilya Furigay.

“Wala po siyang nailalabas na mga ebidensiya sa mga paratang niya kay (incumbent Lamitan) mayor Roderick Furigay, pati kay (former Lamitan) mayor Rose Furigay. ‘Yan po ay puro kathang isip niya,” anang abogado.

Matatandaang dakong alas-2:55 ng hapon ng Linggo nang magtungo si Yumol sa campus ng Ateneo de Manila University sa Katipunan ­Avenue, Brgy. Loyola Heights at isinagawa ang pagpatay kay Furigay, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Itinaon ni Yumol ang pagpatay kay Furigay sa pagtungo nito sa natu­rang unibersidad kung saan idaraos ang pagtatapos sana ng kanyang anak na si Hannah Rose, 25, sa Law School na sugatan din sa insidente.

Nadamay naman at namatay rin ang Executive Assistant ni Furigay na si Victor Capistrano at ang rumes­pondeng guwardiya ng Ateneo na si Jeneven Bandiala.

Related video:

ATENEO SHOOTING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with