3 dawit sa investment scam, timbog
MANILA, Philippines — Arestado sa ikinasang entrapment operation ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District ang tatlo katao na sinasabing sangkot sa investment scam.
Sa operasyong inilatag ni CIDU chief PLTCol Mark Julio Abong, nasakote ang mga suspek na sina Glazen Joi Rodriguez, 25; Adrian Manalo, 25 at Michael Angelo Bundalian 27.
Sa ulat ni Abong kay QCPD District Director Remus Medina, inilatag ang operasyon matapos magreklamo sa CIDU ang biktima na si Vicente Homer Revil, 50, abogado.
Ayon sa biktima, nagpanggap na mga importer ng frozen meat at may fishpond pa umano ang mga suspect na kumukuha ng investment.
Sa operasyon, huli sa akto ang tatlong suspek sa loob ng itim na Mitsubishi Mirage sa kahabaan ng Maginhawa St. Barangay Teacher’s Village, Quezon City.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang hand grenade, isang kalibre .38 revolver na walang serial number at may anim na bala, dalawang tig-isanlibong perang papel kasama ang marked at boodle money, pasaporte nina Bundalian at Manalo at mga ID at atm.
Ang mga suspek ay isinailalim muna sa routine physical examination sa Quirino Memorial Medical Center bago sinampahan ng kaukulang mga kaso sa piskalya.
- Latest