^

Metro

Caloocan LGU nagsagawa ng clean-up drive vs dengue

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Caloocan LGU nagsagawa ng clean-up drive vs dengue
Ayon kay Malapitan, katuwang ang City Environmental Management Department (CEMD) nilinis ang Barangay 172 at  Barangay 177 sa  North Caloocan at Barangay 18 sa South Caloocan.
Stock / Pixabay

MANILA, Philippines — Kasabay ng rainy season, nagsagawa ng clean-up drive ang Caloocan City sa pangunguna Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan sa ilang barangay sa lungsod laban sa iba’t ibang sakit partikular ang dengue.

Ayon kay Malapitan, katuwang ang City Environmental Management Department (CEMD) nilinis ang Barangay 172 at  Barangay 177 sa  North Caloocan at Barangay 18 sa South Caloocan.

Sinabi ni CEMD Officer-in-charge Ryan Castillo, mahigpit ang kautusan ni Malapitan na tiyaking malinis ang mga pampublikong lugar, kalsada at mga eskinita na pinamumugaran ng mga insekto.

Nagsagawa rin ang CEMD ng fogging at declogging activities upang mapuksa at masawata ang  dengue-carrying mosquitoes.

Maging ang mga drainage ay nilinis din upang matanggal ang bara dulot ng basura at tuluy-tuloy ang daloy ng tubig kanal.

Umapela naman si Malapitan sa mga residente na maging responsable rin sa pagtatapon ng basura at pagpapanatiling malinis ang kanilang bahay sa loob at labas.

DALE GONZALO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with