^

Metro

‘No contact apprehension’, umarangkada na sa Quezon City

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

DPOS nagbabala sa pasaway na motorista

MANILA, Philippines — Binalaan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) ng Quezon City  ang mga pasaway na motorista na sundin ang batas trapiko sa lansa­ngan para hindi mahuli at maparusahan.

Ang babala ay ginawa ng DPOS nang pormal nang simulan kahapon ang implementasyon ng ‘No Contact Apprehension’ sa lungsod na may katapat na kaukulang parusa sa mga motoristang mahuhu­ling lalabag sa batas trapiko at ordinansa hinggil dito.

Magugunitang matapos aprubahan ng QC Council ang pagpapairal ng ‘No Contact Apprehension’ sa QC kamakailan ay apat na buwan munang isinagawa ang trial period na tuluyan na ngang sinimulan kahapon, Hulyo 1.

Ipatutupad  ang naturang programa partikular sa anim na lugar sa QC sa bahagi ng P. Tuazon – 13th, P. Tuazon – 15th, E. Rodriguez – Hemady, E .Rodriguez – Tomas Morato, Kamias – Kalayaan, at East Avenue – BIR.

Padadalhan na lamang ang mga may-ari ng sasakyan ng notice of violation 14 na araw matapos makunan sa CCTV ang ginawang paglabag.

Kinakailangan na mabayaran ang traffic violation ticket sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang notice of violation at kung hindi agad mababayaran ay magkakaroon ng dagdag na 5 percent surcharge hanggang sa mabayaran.

Bibigyan naman ng QC LGU ang LTO ng kopya ng traffic violation ng motorista na hindi magbabayad ng penalty at palalagyan ng alarm para maimpormahan bago mairehistro ang sasakyan.

DPOS

NO CONTACT COMPREHENSION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with