Mahigpit na pagsusuot ng face mask inutos ni Mayor Joy Belmonte

MANILA, Philippines — Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang lahat ng 142 barangay officials na mahigpit na ipatupad ang pagsusuot ng face mask para maagapan ang pagkalat ng COVID-19 sa lungsod.

“We cannot strictly enforce social distancing because we have just recently reopened our economies, so we are appealing to everyone to mask up and get vaccinated or boosted instead,” pahayag ni Belmonte sa pakikipagpulong sa mga barangay officials.

Inatasan din ni Belmonte ang Law and Order Cluster, Department of Public Order and Safety at Task Force Disiplina na mahigpit na i-monitor ang “no face mask” ordinance.

Kasabay nito ay tiniyak ni Belmonte na sapat ang suplay ng bakuna kontra CO­VID-19 sa lungsod.

Sa ngayon, nakaalerto na ang lokal na pamahalaan matapos itaas ang yellow Alert status dahil sa bahagyang pagtaas ng COVID-19 sa QC.

Show comments